Add parallel Print Page Options

Nagpadala si David ng mensahe kay Joab na papuntahin sa kanya si Uria na Heteo. Kaya pinapunta ni Joab si Uria kay David. Pagdating ni Uria, tinanong siya ni David kung ano na ang kalagayan ni Joab at ng mga sundalo sa kanilang pakikipaglaban. Pagkatapos, sinabi ni David sa kanya, “Umuwi ka muna at magpahinga.”[a] Kaya umalis si Uria sa palasyo, at pinadalhan siya ni David ng mga regalo sa bahay niya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:8 magpahinga: o, sumiping sa asawa mo. Sa literal, hugasan mo ang paa mo.